Mahigit sa tatlong daang Super Health Center maitatayo, sa siudad ng Baguio meron itatayo na isa

0
4

Baguio City – Mahigit sa 300  “Super Health Center” ang inaasahang maitatayo ngayong taon sa buong pilipinas, Ito ay ayon kay Senadror Bong Go ang Committee Chairman ng  Health and Sports Committee” ng Senado.

Ayon kay  Go, 322 ang nais nilang ipatayo sa mga probinsia upang matiyak na maalagaan ang kalusugan ng mga mahihirap.  Sinabi ng  senador na nais na mapatayuan ang mga “4th hangang 6th class municipality” na walang kakayahan na magtayo ng kaparehong pasilidad.

Idinagdag ng  senador na ang mga maitatayong  “Super Health Center” at malayo sa malalaking “rural clinic” ngunit maliliit ito kung ihahambing sa ospital.  Ang mga serbisyo na maaring kunin ay ang panganganak, dental, laboratory, magpabakuna, magpacheck-up at iba pa. Noong  2022, aabot sa  307 “Super Health Center” ang naipatayo ng Department of Health (DOH).

Mayroon na ring “Malasakit Center” na inilagay sa mga ospital sa pamamagitan ng pagkukusa ng senador na tumutulong sa mga mahihirap ng mga pasyente.

Sa kaugnay sa balitang ito, naisagawa na ang “Ground Breaking Ceremony” para sa pagpapatayo ng  “Super Health Center” sa  Atab dito  sa lungsod ng Baguio.  Ito ay ginanap noong  Sabado, Marso 25, 2023 at ito ay dinaluhan mismo nila Senator Bong Go, Robin Padilla at nila  Mayor Benjamin Magalong at  bise  Mayor Faustino Olowan. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

Leave a Reply