Mahigit P20-M na halaga ng iligal na droga nasabat sa isang Taiwanese

0
48

Isang Taiwanese ang arestado sa buy-bust operation sa isang mall sa Muntinlupa City.

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa dayuhan ang tinatayang tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P20 milyon.

Bukod sa droga, narekober din sa suspek ang isang retirement ID at isang membership card sa isang sikat na casino kung saan posibleng nagaganap ang iligal na transaksyon.

Napag-alaman din ng PDEA na may kaso sa kaoshiung prosecutor’s office ang suspek noong Enero dahil sa pag-popondo umano sa isang drug laboratory.

Inaalam na kung locally produced o inangkat mula sa ibang bansa ang mga nasabat na droga.