Mahigit na isang daang nabuwal na mga kahoy dahil sa nakalipas na bagyo, nais ng lungsod ng Baguio na gawin upuan para sa paaralang elementary

0
9

Baguio City – Pinag-iisipan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Baguio na gawin upuan ng mababang paaralan ang mahigit sa isang daang kahoy nabuwal ng nakaraang bagyong Egay sa ating suidad.  Ito ang sinabi ni Mayor Benjamin Magalong.

Napag usapan nila ito ng pinuno ng City Environment and Parks Management Office na walang iba kundi si Atty. Rhenan Diwas, ang possibleng donasyon ang nasabing kahoy sa Department of Education upang mapakinabangan ito ng mabuti.

Magkaganon man, kanilang ipinaliwanag na kailangan nilang maki ugnayan pang una sa Department of Environment and Natural Resources para magawa ito bilang mga upuan sa mga silid aralan ngunit kailangan pang mapatuyo ang mga ito bago magawa.

Kung inyong matatandaan, nakipag usap si Mayor Magalong sa kay DepEd-Baguio Schools Division Officer-in-Charge Soraya Faculo, at maging ang ibang opisyal ng Local School Board kaugnay sa paghahanda ng lahat ng paaralan dito sa lungsod ng Baguio lalo na sa mga nasiraan dahil sa pananalanta ng nakaraang Bagyong Egay upang walang gaanong malaking problema sa pagbukas ng school year 2023-2024. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio City Information Office)

Leave a Reply