Mahigit 900 na mga LGU ang nakasunod sa itinakdang deadline ng pamahalaan sa pamamahagi ng SAP

0
35

Nasa higit 900 Local Government Units (LGU) lamang ang nakasunod sa deadline na itinakda ng pamahalaan para sa pamamahagi ng cash subsidy sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Ayon kay Department of Social Welfare Development (DSWD) Spokesperson Dir. Irene Dumlao, nasa 958 LGU’s lamang mula sa 1,028 mga LGU’s.

Aniya, humiling na ng extension ang ilang mga LGU’s na nabigong makasunod sa deadline para mabigyan pa ng pagkakataong matapos ang pamamahagi ng cash subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP.

Una rito, dalawang beses nang nagbigay ng extension ang DILG sa mga LGU’s matapos na palawigin ang inisyal na deadline noong Abril 30 at gawin itong Mayo 7 na pinalawig pa hanggang, kahapon, Mayo 10.

Matatandaang, sinabi ng DILG na nagbigay na sila ng sapat na pagkakataon at kunsiderasyon sa mga lokal na pamahalaan upang matapos ang distribusyon ng ayuda sa ilalim ng SAP.