Mahigit 2,000 ang nadagdag sa mga nasawi dahil sa COVID-19 sa US

0
21

Nakapagtala ng halos 2,000 pagkamatay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Estados Unidos sa nakalipas lamang na 20 oras.

Batay ito sa pinakahuling pagtaya ng John Hopkins University kung saan 1,920 ang mga namatay dahil sa COVID-19 sa US nitong Sabado.

Bahagyang mababa lamang ito sa naitalang 2,108 pagkasawi dahil sa COVID-19 noong isang araw.

Sa kabuuang pumapalo na sa mahigit 20,500 ang bilang ng mga nasawi sa US dahil sa nabanggit na virus.

Habang mahigit 527,000 naman ang kabuuang kumpirmadong kaso.