Mahigit 1,000 trabaho magbubukas para sa mga Pinoy

0
49

Nilagdaan na ng Pilipinas at Israel ang panibagong labor agreement na nakatakdang magbukas ng trabaho sa mga Pilipino.

Sa ilalim ng nilagdaang kasunduan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Israeli Tourism Minister Yariv Levin, mahigit isang libong (1,000) trabaho ang ini-aalok ng Middle East Nation sa mga Pilipino.

Batay sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Israel, aabot sa dalawampu’t walong libong (28,000) Pilipino ang nagtatrabaho sa nasabing lugar.