Monday, May 6, 2024

Mahabang Pila Ng Mga Sasakyan Naranasan Sa Boundery Ng Quezon At Camarines Sur

- Advertisement -

Iriga City – Sitwasyon ngayong madaling araw ng umaga sa border checkpoint ng Camarines Sur sa bayan ng Del Gallego naging mahaba ang pila ng mga sasakyan at mga taong magtutungo sa lalawigan na sumasailalim sa rapid diagnostic test.

Hinigpitan na kasi ng COVID-19 Task Force sa Camarines Sur ang pagpapasailalim sa Rapid Antigen testing sa mga papasok sa nasabing probinsya.

Sa impormasyon galing sa Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO, ito’y kasunod ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Maynila at anunsyo ng ilang mga bus company na nalalapit na ang kanilang pagbabalik biyahe sa Rehiyong Bicol.

Sa impormasyon, ang mga daraan ay hindi na inoobliga mag presenta ng Travel Authority at RT-PCR Test Result batay na rin sa Interagency Task Force Policy (IATF) 101, subalit nakapaloob din sa kautusan na ang lahat ay daraan pa sa antigen testing lalo pa kung walang RT-PCR test result o nagpaso na.

(Source: EDMERO-CamSur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img