Lungsod ng Baguio napahinto ang 600 illegal na struktura

0
15
photo courtesy o PIO Baguio

Baguio City – May kabuang 600 na illegal struktura ang pinahinto ng pamahalaang lungsod ng Baguio sa pamamagitan ng City Buildings and Architecture Office (CBAO) mula Enero hangang Hunyo ng taong ito.

Ang CBAO nasa pamumuno ni Arch. Johnny Degay ang nagsabi na 600 pagtatayo ang binigyan ng abiso sa paglabag (NOVs), 331 ang mga naipatayo sa tituladong pag aari at 269 ang sa mga hindi pa rehistradong lote.

Sinabi ni CBAO Investigation and Demolition Division Engr. Donald Gas-ib na ang kanilang opisina ay nakatanggap ng may kabuuang 298 reklamo sa nasabing panahon at ang walo rito ay idinismiss o paniwalang bisa. Tatlong kaso ang naisampa na sa korte at 69 kaso ang inundorso na sa City Anti-Illegal Structures Committee (CAISC) para madesisyonan.

Siyam ang demolition orders kabilang ang 13 struktura ang naisagawa na habang ang 16 na iba pa ay ipinagpaliban dahil sa temporary restraining orders (TRO) na ipinalabas ng mga hukuman.

Samantala, nanawagan si Mayor Benjamin Magalong sa publiko na iulat ang mga insidente ng squatting sa mga watersheds at sa mga titulado at hindi tituladong lote sa CBAO sa telepono bilang 442-2503.

Anya sa tulong ng publiko ang kampanya laban sa Squatting ay mapagtatagumpayan. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply