Lungsod ng Baguio nanatiling mapayapa at matatag habang ginaganap ang mga tatlong malalaking pangyayari

0
4

Baguio City – Ipinagmalaki ng Baguio City Police Office o ng BCPO ang pananatili ng lungsod ng Baguio na mapayapa at matatag habang isinasagawa ang Cordillera Administrative Region Athletic Association meet o ang CARAA kasabay ng Regional Academic Festival o ang RAF, ganon din ng Labor Day.

Dahil dito, walang nangyaring masama o krimen sa manlalaro, coaches, at iba pang kinatawan na sumali sa CARAA at RAF habang nanatiling matiwasay ang paggunita ng Labor Day Job Fair. Ayon sa report ng BCPO, umabot sa 370 na mga pulis ang nagbantay sa mga kinatawan ng dalawang malalaking pangyayari ditto sa lungsod.

Ganon na binantayan ng mga kapulisan ang pansamantalang tinutuluyan o billeting area ng mga kinatawan o mga delegado. Ayon pa rin sa report ng BCPO, nanatiling matatag ang mga kinatawan o mga delegado at naging matiwasay ang mga nasabing events dahil presensia ng mga volunteers at pribadong mga tao ganon ng ibang government lines agencies. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

Leave a Reply