Lungsod ng Baguio naghahanda na sa UNDAS 2024

0
14
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City -Muling binuo ni Mayor Benjamin B. Magalong ang executive committee para sa paparating na Oplan Kaluluwa 2024 sa pamamagitan ng Executive Order No. 98, series of 2024.

Ito ay bilang paghahanda para sa matahimik at maayos ng paggunita ng Araw ng Kaluluwa at Todos Los Santos.

Ang Oplan kaluluwa ay isang aktibidad ng pamahalaang lungsod at ng Baguio City Police Office (BCPO) upang tugunan ang mga problema patungkol sa kaligtasan, seguridad at ang pangkalahatang pamamahala ng karamihan ng tao. Habang ginugunita ang Undas.

Si Mayor Benjamin Magalong ang magsisilbing chairperson ng committee habang si City Administrator Bonifacio Dela Peña ang action officer. At ang iba pang membro ng committee ay ang Divisions of the City Mayor’s Office: Permits and Licensing Office, City Disaster Risk Reduction and Management.

Napagkasunduan ng mga miyembro ng Committee noong una nilang pagpupulong ang pagsasagawa ng maagang paglilinis ng mga puntod sa mga publikong sementeryo sa buong buwan ng Oktubre. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply