Lungsod ng Baguio hindi pa nakapagdeklara ng State of Calamity

0
9

Baguio City – Hindi pa nakapadeklara ng “state of calamity” ang pamahalaang lungsod ng Baguio kahit na ito ay dinaanan ng Bagyong Egay dahil hindi naman matindi ang pagkatama nito sa lokalidad kung ihahambing sa ibang probinsiya sa Ilokos region at sa ibang bahagi ng hilangang Luzon.

Ito ang ipinahayag ni mayor Benjamin Magalong sa isang pagpupulong sa iba’t ibang opisyal ng lungsod ng Baguio noong nakaraang linggo upang pag usapan ang maaring maibigay na tulong sa mga lalawigan dito sa region Cordillera na kung saan ay matindi ang pagtama ng Bagyong Egay.

Sinabi ni Magalong na may nalalabi pang 2,500 naninirahan dito sa lungsod ng Baguio ang nasa Evacuation Centers, ang karamihan ay naka uwi noong Hulyo a 30 ng taong ito.

Umaabot sa 70 mga bahay kabilang dito ang 62 bahagyang nasira at 8 ang tuluyang ng nasira.

Samantala, may paunang bilang ng 168 na mga punong kahoy ang napabagsak ng naturang bagyo sa lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio City Info Office)

Leave a Reply