LRT-2 may libreng sakay ngayong Labor Day

0
56

Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ngayong araw, Mayo 1.

Ayon sa pamunuan ng LRT-2, ito ay bilang pagbibigay-pugay at pagkilala sa mga manggagawa ngayong Labor Day.

Ipatutupad ang libreng sakay para sa mga manggagawang Pilipino mula ala-7 hanggang alas-9 ng umaga at ala-5 ng hapon hanggang ala-7 ng gabi.

Kinakailangan lamang magpresenta ng company I.D. ng mga mananakay para ma-avail ang libreng sakay.