Looc, Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 3 na lindol

0
52

Niyanig ang Looc, Occidental Mindoro ng magnitude 3 na lindol kaninang madaling araw.

Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, namataan ang episentro ng lindol, 27 km southwest ng Looc kaninang 5:10am.

24 kilometro naman ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Ayon rin sa PHIVOLCS ay wala namang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.