Lokal na pamahalaan ng Baguio hinihikayat ang mga kabataan na matuto ng urban agriculture

0
5
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Urban Agriculture Division ng Baguio City Veterinary and Agriculture Office (CVAO) ay patuloy na hinihikayat ang mga kabataan sa pagtataguyod ng urban agriculture sa pamamagitan ng the Baguio Urban Gardening kasama ang 4-H Club (BUG-4-H) Young Farmers’ Field School Program.

Pinapurihan ni Mayor Benjamin Magalong ang nasabing programa na hindi lamang nagtataguyod sa kaalaman sa agrikultra sa lungsod kundi tumutulong din sa pagpapaunlad sa kabataan sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila katulad ng paghahalamanan sa likod ng kanilang tahanan.

Nailunsad noong Marso noong nakaraang taon, ninanais nito na isama ang pagaaral ng agrikultura sa school curriculums upang magbigay ng pagkakataon sa mga kabataan at itaguyod ang gawaing pagsasaka.

Ang CVAO nasa ilalim ni City Veterinarian Dr. Silardo Bested at ang pinuno ng Urban Agriculture Division Supervising Agriculturist na si Marcelina Tabelin ang nagsabi na ang programa ay isang makabuluhang hakbang tungo sa pagpapaunlad ng katuruaan sa agrikultura sa mga kabataan.

Ilan sa mga paaralan na tumatangkilik nito ay ang Manuel L. Quezon Elementary School, Joaquin Smith National High School, Ang Pinsao Elementary School at Dominican-Mirador National High School sustainable development through education and empowerment. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply