Sunday, April 28, 2024

Lokal na magsasaka at panadero inilantad ang higanteng sunflower cake sa Irisan, Baguio

- Advertisement -

Baguio City – Dar Jane’s Garden, Ark Baker, Coffee Place and the Skyland Garden and Hotel, ibinahagi ang isang higanteng sunflower cake na isang paraan upang mai-promote ang industrya ng Sunflower sa lungsod ng Baguio at probinsiya ng Benguet.

Ayon sa Head Baker ng Ark Baker na si Angelika Inso, sila ay gumamit ng buto ng sunflower, at kinuhang langis bilang pangunahing sangkap ng cake, na maaring pakainin sa 500 hanggang 600 na ka-tao.

Ang naturang kaganapan ay ginanap sa Skyland Garden and Hotel ng purok 18 Irisan, lungsod ng Baguio na isa sa mga bagong atraksyon pang-turista at isa rin itong tulong sa mga lokal na magsasaka at iba pang maliliit na negosyo upang itaguyod ang kanilang produkto.

Ayon sa mga residente, ang cake ay maaring ipares sa kape mula sa Coffee Place

Samantala, sinabi ng may ari ng Dar Jane’s Garden na si Dario Montes Sr., na ang malahiganteng cake ay ninanais na itaguyod ang industriya ng sunflower na kanilang inumpisahan sa pagtatanim ng ornamental at edible sunflowers sa kanilang sakahan sa Shilan, La Trinidad, Benguet at ngayon sa Irisan, Lungsod ng Baguio.

Kasama sa kaganapan ang mga kinatawan ng DOT-CAR at DTI-CAR/Baguio-Benguet upang ipakita ang kanilang suporta. (Jimmy Bernabe)

(Source: PIA Cordillera)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -