Localized lockdown sa ilang lugar sa Malabon City ipapatupad

0
14

Isasailalim sa 15 araw na localized lockdown ang ilang bahagi ng lungsod ng Malabon.

Ang desisyon ay alinsunod sa napag-usapan sa pulong ng task force ng lungsod kontra sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa inilabas na pahayag ng pamahalaang lungsod ng Malabon, kabilang sa localized lockdown ang mga sumusunod na lugar:

  1. Bahagi ng P. Concepcion at Tumariz sa Barangay Tugatog,
  2. University Avenue Extension at Guava Street sa Barangay Potrero,
  3. 1st, 2nd,3rd,4th streets at C4 road sa Barangay Tañong,
  4. Gozon Letre at Phase 1 sa Barangay Tonsuya,
  5. At, block 14C sa Barangay Longos.

Ang localized lockdown ay ipatutupad simula, bukas, July 16 at tatagal hanggang sa July 30.