Wednesday, May 8, 2024

Listahan ng pagpipilian bilang susunod na PNP Chief, isusumite na ng DILG kay Pangulong Duterte

- Advertisement -

Isusumite na ng Department of Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga pangalan ng mga kabilang sa mga pagpipilian bilang hepe ng Philippine National Police.

Ito’y kasunod ng nakatakdang pagreretiro ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, sa kaniya nakaatas ang paggawa ng naturang listahan bilang chairman ng

National Police Commission (NAPOLCOM).

Kasabay nito, nilinaw ni Año, na ang Pangulo pa rin ang magdedesisyon at pipili kung sino ang kaniyang napipisil na susunod na PNP Chief.

Una nang tinukoy ni Albayalde na posibleng makapalit niya sa pwesto sina National Capital Region Police Office, Chief P/MGen. Guillermo Eleazar; Deputy Director Gen. Archie Francisco Gamboa, PNP Operations Chief; at P/Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Directorial Staff Chief.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img