Inilaang pondo ng DOH sa taong 2020 aabot sa 7.54B

0
28

Aabot sa kabuuang P7.54B ang inilaang pondo ng Department of Health (DOH) para sa national immunization program sa taong 2020.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, Chairman ng Senate Finance Committee, ang naturang programa ay libreng mapakikinabangan ng mga bata, buntis gayundin ng mga kalalakihan at kababaihan.

Inaasahang maseserbisyuhan ng libreng bakuna ang nasa 2.7M mga sanggol.

Ito’y para panlaban sa tuberculosis, hepatitis b, diptheria, pertussis, tetanus, measles, rubella, influenza at polio.

Kasabay nito, hinimok ni Angara ang DOH na sabihin sa kanila sakaling may kung anumang kailanganin pa ang mga ito.

Gayunman nilinaw ng senador na hindi ito nangangahulugan agad ng dagdag na pondo.