Listahan ng FB accounts and pages na may kaugnayan sa militar at pulisya hiningi ng PNP sa facebook

    0
    43

    Hiningi na ng Philippine National Police (PNP) sa pamunuan ng facebook ang listahan ng mga accounts at facebook pages na umano’y may kaugnayan sa militar at pulisya na nakitaan ng ‘inauthentic activity’.

    Ito ay matapos na alisin ng Facebook ang nasa 57 accounts, 31 mga pages at higit 20 instagram accounts na nauugnay sa PNP at AFP, gayundin sa grupong naka-base sa China na tumatarget sa Pilipinas na nagsasagawa ng manipulation campaign.

    Ayon kay PNP Spokesman Col. Ysmael Yu, walang sagot sa ngayon ang pamunuan ng facebook hinggil sa ulat na may kaugnayan sa PNP ang mga inalis na facebook accounts.

    Gayunman, una na namang itinanggi ng PNP na konektado sa kanila ang mga inalis na pekeng facebook accounts.