Inatasan na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Manila water at Maynilad na bigyan ng 30 araw na palugit ang kanilang mga customers para bayaran ang mga nakonsumo nitong bills sa nakalipas na ECQ at MECQ.
Ayon sa MWSS, ito ay batay na rin sa bayanihan 2 o Bayanihan to recover as one act kung saan pinahihintulutan din ang utay-utay na pagbabayad o installment payment.
Sinabi ng MWSS, dapat na bigyan ng Maynilad at Manila water ang kanilang mga konsyumer ng 30-days grace period upang mabayaran ang kanilang mga nakonsumong bills noong ipinasailalim ang kani-kanilang mga lugar sa ECQ at MECQ.
Gayunman,dapat din anilang magpatupad ang 2 water concessionaires ng 3 month installment scheme para sa mga cooperatives, MSME’s at mga domestic customers matapos ang ibinigay na 30-day grace period.
Paliwanag ng MWSS, tiwala sila na mabibigyan ng sapat na panahon ang mga sineserbisyuhan ng 2 water concessionaires para bayaran ang kanilang mga water bills.