Libreng sakay para sa mga Senior Citizens inilunsad ng DOTr

0
15

Hatid ng Department of Transportation (DOTr) ang isang linggong libreng sakay sa MRT-3 para sa mga Senior Citizens.

Kasabay ito ng pakikiisa ng ahensya sa taunang selebrasyon ng ‘Elderly Filipino Week’.

Simula 5a.m. hanggang 10:30p.m ay libre ang pamasahe sa MRT-3 ng mga Senior Citizens mula bukas (Oktubre 1), at tatagal hanggang sa Oktubre 7, Lunes ng susunod na linggo.

Kailangan lamang mag presinta ng Senior Citizen ID o anumang ID na magpapatunay ng edad na 60 years old pataas.