Kyle Kuzma pansamantalang hindi makakapag laro sa LA Lakers

0
23

Pansamantala munang hindi makapag-lalaro si Los Angeles Lakers forward Kyle Kuzma matapos nitong magtamo ng injury sa kaniyang kaliwang paa.

Batay sa inilabas na pahayag ng Lakers, kailangan pang magpahinga ng 24 taong gulang na manlalaro bago ito sumabak sa anumang training o laro.

Magugunitang napilitan ding umatras si Kuzma sa mga manlalaro na sasabak sa Fiba World Cup bunsod ng sinasabing injury sa kaniyang paa.

Gayunman, tiniyak naman ng Lakers na pagbubutihin pa rin nila ang kanilang laro kung saan nakatakda nilang makaharap ang Brooklyn Nets sa darating na Oktubre 10.