LGU Davao, mag-aangkat ng durian sa ibang rehiyon

0
1

Inaasahan na mag-aangkat ng durian ang City Government of Davao kasama ang City Agricultures Office sa mga katabing rehiyon dahil sa matumal na supply ng durian sa darating na Kadayawan Festival sa susunod na buwan.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon kay Davao City Agriculturist’s Office (CAGRO) head Edgardo Haspe kinakailangan na may maraming supply para sa Kadayawan Festival dahil ito ang highlight sa naturang selebrayson.

Aminado ang naturang ahensya na maliit lamang ang supply ngayon sa Davao City dahil sa pabago-bagong weather condition hatid ng climate change.

Base sa datos, sagad sa annual volume supply ng durian sa Davao City ay aabog sa 12,000 metric tons.

Sa 2019, 15,485 MT, umabot sa 17,000 MT noong 2020 at 12,930 MT sa 2021.

Ngunit ngayong taon, nasa 3,000 MT pa lamang na mga durian ang na harvest sa 6 na buwan o kalahating taon.

Dagdag pa ni Haspe na kasama ang Durian Industry Council Association of Davao City, napagusapan na nila ang pag-aangkat ng durian sa mga kalapit na rehiyon katulad na ng North Cotabato, Kidapawan at Makilala.

Aminado si Haspe na kahit na nag mga mahaharvest na durian sa bukirin ng Davao City ngunit hindi ito sapat upang maibigay ang demand sa merkado para sa inaasahang 50,000 na mga turista na darating sa Kadayawan Festival

(Source: LGU Davao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here