Lebel ng tubig sa Angat Dam muling nadagdagan sa nakalipas na 24 oras

0
44

Muling nadagdagan ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay batay sa pinaka huling datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrology Division.

Naitala kaninang 6:00 ng umaga na nasa 174.13 meters na ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Kumpara ito sa naitalang 172.31 meters na tubig noong Sabado.

Samantala, bahagya ring nadagdagan ang lebel ng tubig sa Binga, La Mesa, San Roque at Caliraya Dam habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, Ipo, Magat at Pantabangan Dam.