LCSP may buwelta sa TWG hinggil sa Angkas ops

0
14

Pinatutsadahan ni Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) President Atty. Ariel Inton ang sinabi ng Technical Working Group (TWG) na nilabag ng ride-hailing app na Angkas ang kautusang mag-operate lamang sa designated pilot areas.

Ayon kay Inton, hindi na dapat pinayagan ng Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) na lumahok sa pilot testing ang Angkas kung alam nila na matagal nang nag-ooperate ito sa labas ng designated pilot areas.

Matagal na palang nag-ooperate ‘yung Angkas sa mga lugar na ‘yon, e, anong ginawa ng LTFRB? Bakit ngayon lang nila sinasabi ‘yan?” ani Inton.

Paliwanag ni Inton, sa kanyang pagkakaalam ay sumunod lamang ang Angkas sa nais ng lokal na pamahalaan na mag-operate ang mga ito sa Cagayan De Oro at General Santos City upang mapigilan ang ilegal na habal-habal sa mga naturang lugar.

Meron yatang request, o may resolution yata ang lokal na pamahalaan na mag-operate ang Angkas dito sa mga lugar na ‘to kasi maraming habal-habal na mas safe ang kanilang constituents kung mag-a-Angkas,” ani Inton. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas