Lasing na pulis-Parañaque nasampolan ni PNP Chief Albayalde

0
47

Muli na namang nasorpresa ang ilang mga pulis matapos silang biglaang bisitahin ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde.

Nanganganib na kasuhan ng administratibo ang isang pulis sa Parañaque Police Community Precinct 3 matapos itong mabukong naka-inom habang naka-duty bilang desk officer.

Agad napansin ni Albayalde na nakainom si PO3 Joselier Labrada dahil kakaiba ang kilos nito at pa-ingles-ingles pa.

Samantala, huli naman sa aktong natutulog sa isang kuwarto ang desk officer ng Las Piñas PCP 8.

Ang iba pang binisitang PCP ni Albayalde ay nasita lamang dahil sa maduming kapaligiran.

—-