Lalawigan ng Batangas patuloy na nakakaranas ng malalakas na pagyanig

0
17

Ilang pagyanig muli ang naitala sa Batangas kagabi, Enero 13.

Naramdaman ang pagyanig ng Magnitude 3.8 na lindol sa San Nicolas, Batangas dakong 10:55 p.m.

Naramdaman naman ang Intensity III sa Tagaytay City.

Magnitude 4 na lindol naman ang yumanig sa Agoncillo, Batangas dakong 11:39 p.m.

Namataan ang episentro ng lindol sa layong 6 kilometro northwest ng nasabing bayan.

Naramdaman ang Intensity III sa Tagaytay City habang Intensity II sa Malabon City.