Lalaking tulak ng illegal na droga, timbog sa buy-bust operation ng Iriga City PNP

0
14

Timbog ang isang lalaking na tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Iriga City PNP sa Zone 3, Barangay La Medalla, Iriga City, Camarines Sur nito lamang Hulyo 31, 2023.

Kinilala ni PLTCOL RALPH JASON V OIDA, Hepe ng Iriga City CPS ang suspek sa alyas “Avatar”, 45, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon kay PLTCOL OIDA, bandang 3:30 ng umaga ng isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Iriga CPS sa pakikipag-ugnayan sa PDEA- Camarines Sur Provincial Office. Nakumpiska mula sa suspek ang walong ( piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at may street value na Php20,400.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang matagumpay na operasyon ng Iriga City PNP ay isa lamang sa resulta ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga upang mahuli ang mga taong nagbebenta nito. (Jv Navarro Verdeflor Jr.)

(Source: Iriga City PNP, photo credits to the owner)

Leave a Reply