Sunday, May 5, 2024

Lahat ng LSIs makakauwi sa kanilang probinsya bago mag-Pasko — Malakanyang

- Advertisement -

Tiniyak ng Malakanyang na makakauwi ng kani-kanilang probinsiya ang lahat ng mga locally stranded individuals (LSI)’s  sa Disyembre para doon makapagdiwang ng Pasko.

Ayon kay  Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo, lead convenor ng hatid tulong, umaabot sa halos 500 pa ng mga LSI’s ang nasa kanilang listahan ng mga papauwiin.

Aniya, animnapu’t isa sa mga ito ang nasa Cultural Center of the Philippines (CCP)  na nagsisilbi ngayon bilang National Center ng hatid tulong.

Sinabi ni encabo, ilan sa mga natitira pang LSI’s ay na-stranded sa Metro Manila nang magsimula ang lockdown, habang meron ding mga babalik naman ng NCR mula sa ibang probinsiya.

Dagdag ni Encabo, posibleng simulan nilang muli ang unti-unting pagpapauwi sa mga LSI’s sa Oktubre kung kailan inaasahang mapapaso na ang moratorium dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img