Idinagdag na pondo sa DPWH tatanggalin — Lacson

0
83

Tatanggalin ng senado ang anumang addendums o idinagdag na mga pondo para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng panukalang 2021 national budget.

Ito ang tiniyak ni Senador Panfilo Lacson, matapos niyang makakuha ng listahan ng lump sum items ng DPWH.

Ayon kay Lacson, kanilang titignan kung tutugma ang mga isinumiteng addendums ng DPWH sa kanilang tinukoy na lump sum project sa ilalim ng 2021 budget.

Ito ite-telegraph ko na yung gagawin ko kasi may listahan kami ng mga lump sum; preventive maintenance, tertiary road, secondary road, kung ano-ano yun. Pinapatingnan ko na yung addendum, may listahan na din kami may nagpadala sa amin sasama pa doon sa mga lump sum, kasi kung hindi nakasama dun hindi addendum yun seperate list ‘yon at ang puna ko dun hindi pwede mag-participate ang executive department lalo na ang isang ahensya like Department of Public Works and Highways sa law making kasi yung pagsasa-ayos nung mga lump sum P396-B dapat ang magre-realign n’un ay Kongreso, House at saka Senado,” ani Lacson.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Lacson na maaaprubahan sa oras ang proposed 2021 national budget dahil hindi aniya kakayanin ng bansa ang magkaroon ng re-enacted budget sa susunod na taon.

Kasi we cannot afford a re-enacted budget lalo na sa ganitong panahon although maraming issues na napag-usapan ‘rin natin tungkol sa budget pero I think by large, maiaayos naman yung budget. Ang madugo lang dyan sa BiCam kasi narinig ko sinabi ng House yung appropriations committee ni Cong. Yap, wala silang ginawa sa net pero ang net nandun na lahat nung mga siningit nila,” ani Lacson.