Tuesday, May 7, 2024

Krimen sa siudad ng Baguio bumaba sa panahon ng Mahal na Araw

- Advertisement -

Nagawa ng Baguio City Police Office sa pamumuno ni City Director PCol. Francisco Bulwayan Jr. na pamahalaan ang kaayusan at kapayapaan dito sa lungsod ng Baguio na nagresulta sa pagbaba ng bilang ng mga krimen sa panahon ng Mahal na Araw. Ito rin ang panahon na napalakas ang gawain sa larangan ng turismo at negosyo. Ayon kay Bulwayan, batay sa datos ng crime volume, ito ay bumaba ng 27.77 na porsiento o 10 insidente noong Abril 3-9, 2023 kung ihahambing ang crime volume noong Abril a 10 hangang 16, 2022. Parehong bumaba ang crime index at non-index crimes. Sa larangan ng index crimes, ang BCPO ay nakapagtala ng dalawang insidente ngayong taon kung ihahambing ang apat na nakalista noong nakaraang taon o 2022 sa mga nasabing panahon.

Ang mga nasabing krimen ay kinabibilangan ng pagnanakaw o robbery, physical injuries o pananakip ng kapwa at murder o ang pagpatay. Sa larangan ng non-index crimes, pito ang nailistang krimen ngayong taon kung ihahambing sa 12 insidente noong nakaraang taon. Ito ay nagpapakita lamang ng pagbaba sa 41.67 na porsiento.

Ang mga non-index crimes na nangyari noong Mahal na Araw ay kinabibilangan ng alarm and scandal, arson of property for small value, discharge of firearm, grave coercion, malicious mischief at violations of anti-child abuse, at maging ang batas kontra sa pagsusugal o mga anti-gambling laws.

Sa larangan ng insidente ng trapiko, nakapagtala sila din ng 12 reckless imprudence resulting in damage to property, 4 na reckless imprudence resulting in physical injuries, at isang kaso ng reckless imprudence resulting in homicide. Ngunit noong nakaraang taon ay 17 reckless imprudence resulting in damage to property, at 3 na reckless imprudence resulting in physical injuries. Ipinaliwanag ni Bulwayan ang mga dahilan na nakatulong sa pagbaba ng krimen ay dahil sa pagdami ng bilang ng mga tauhan at volunteer groups na itinalaga sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod na binubuo ng 1,574 na tauhan at ang mahigpit na pagpapatupad ng mas magandang pamamahala ng police operations tulad ng checkpoints, Oplan Bakal Sita, police presence, foot patrol at ng mobile patrol.

(Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio City Police Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img