Konstruksyon ng P200-B Makati Subway sinimulan na

0
52

Nagsimula na ang konstruksyon ng P200 billion Makati Subway System.

Isang groundbreaking ceremony ang isinagawa sa tapat ng city hall sa pangunguna ni Mayor Abigail Binay at amang si dating Vice President Jejomar Binay.

Magugunitang ini-award ng Makati City Government ang nabanggit na proyekto sa consortium na pingungunahan ng IRC Properties at mga Chinese company.

Inaasahang magiging operational ang sampung (10) kilometrong subway system simula sa taong 2023.

Bibiyahe ito mula Edsa-Ayala hanggang ospital ng Makati at inaasahang makatutulong sa pagluwag ng daloy ng trapiko sa Makati at ilang bahagi ng Metro Manila.