Kim Chiu lumahok sa jersey auction

0
17

Nakibahagi na si Kapamilya star Kim Chiu sa humahabang listahan ng mga sumali sa jersey auction na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga frontliners.

Katuwang ni Chiu sa proyekto si University of Santo Tomas (UST) standout Sisi Rondina.

Ang inilahok ng Chinita Princess sa auction ay ang ginamit niyang jersey sa Star Magic All-Star Games kung saan mapupunta ang kita nito sa mga frontliners sa Barangay Luz sa Cebu.

Nagsimula ang bid sa halagang P1,500 at tatanggap ito ng alok hanggang alas-11:59 bukas ng gabi, Abril 28.