Wednesday, May 1, 2024

Kauna-Unahang Amusement Park Sa Bicol Itatayo Na Sa Iriga

- Advertisement -

Iriga City — Sa kabila ng patuloy sa paglaban ng pamahalaang lungsod ng Iriga sa pandemya sa Covid-19 ay nagpapatuloy parin ang mga proyekto ng lungsod upang mapalakas at mapalago pa ang turismo at ekonomiya ng lungsod.

Ang Iriga City Amusement Park ay ang kauna-unahan at nag-iisang Amusement Park sa Bicol Region kung saan paghahanda ito sa pagbibigay ng trabaho at magpapalakas ang ekonomiya ng lungsod matapos malampasan ng buong mundo ang pandemya sa Covid-19.

Isa rin ito sa pagkukuhanan ng budget para sa magpapalakad ng gagawing IRIGA CITY PUBLIC HOSPITAL na inaasahang mag-uumpisa na rin ang konstraksyon sa mga susunod na buwan.

Trabaho para sa mga Irigueños ang maibibigay nito at dahil sa inaasahang dagsa ng mga turista sa panahong maari na itong magbukas ay lalakas din ang negosyo ng transportasyon gaya ng Tricycle, Multicab at iba’t-ibang transportasyon sa bumabyahe sa lungsod.

Malaking oportunidad din ito upang lumakas ang negosyo ng mga restaurants, fast foods at iba’t-ibang kainan sa lungsod. Kung saan kasabay narin nito ang paglago ng lahat ng negosyo sa Iriga. (OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: Iriga City Official Facebook Page)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img