Kasong kahaharapin sa gagawa ng diskrimasyon sa mga frontliners ibinabala ng Parañaque gov’t

0
12

Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Parañaque sa sinumang gagawa ng anumang uri ng diskriminasyon laban sa mga frontliners sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Ito ay matapos na makatanggap ng ulat ang opisina ng alkalde ng lungsod hinggil sa umano’y pagtangging isakay ang mga frontliners sa pampublikong transportasyon at pag-papaalis sa kanilang inuupahang lodging houses at apartment dahil sa takot na makahawa ang mga ito.

Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, sa halip na diskriminasyon at pandirihan at dapat na tinatrato ang mga frontliners bilang modern-day heroes dahil malaki ang kanilang kontribusyon sa kasalukuyang public health crisis.

Nakasaad rin sa ipinalabas na Executive Order No. 27 ng alkalde, na bukod sa frontliners ay mahaharap rin sa kaso ang sinumang gagawa ng diskriminasyon sa mga pasyente ng COVID-19.