Kaso ng COVID-19 sa Maynila, dumarami

0
14

Dumoble ang kaso ng COVID-19 sa Maynila sa loob ng 24 oras.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, mahigit 100% ang nadagdag  sa bilang ng mga positibo sa sakit sa magdamag.

Ani Moreno, mayroon talagang sadyang madaling makapitan ng sakit lalo na ang mga matatanda.

Kaya panawagan ni Moreno lalo na sa mga matatanda, alagaan ng mabuti ang kanilang kalusugan upang hindi maapektuhan ng COVID-19.