Kaso ng COVID-19 sa Makati City umabot na sa mahigit 40

0
21

Umakyat na sa 47 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Makati City.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) at Makati Health Department.

Bukod dito, dalawa na ang nasawi sa sakit habang tatlo naman ang nakarekober.

Pumalo naman sa mahigit 400 ang mga persons under investigations (PUI) habang mahigit 200 naman ang mga persons under monitoring (PUM).

Dahil dito, patuloy na hinihimok ni Mayor Abby Binay ang mga taga Makati na manatili sa kani-kanilang mga bahay.

Samantala, maaari namang tumawag sa 168, (02) 8236-5790 o gamitin ang “how can we help” button sa makatizen app ang mga residente ng Makati na pinaghihinalaang may COVID-19.