28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Kampo ni VP Robredo pinababasura sa Korte ang hirit ni dating Sen. Marcos

- Advertisement -

Pinababasura ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang hirit ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos na huwag gamitin ang decrypted ballot images sa revision dahil na kumpromiso umano ang integridad ng resulta ng halalan nuong 2016.

Sinabi ni atty. Emil Maranion, isa sa mga abogado ni Robredo na wala namang naipakitang ebidensya si Marcos para sabihing na kumpormiso ang integridad ng halalan kayat dapat lamang aniyang ituloy ang paggamit ng decrypted ballot images sa pagbibilang.

Iginiit ng kampo ni robredo sa isinumiteng manifestation with prayer, na walang mababago sa resulta ng halalan kahit gamitin ang decrypted ballot images nuong 2016 elections.

Desperadong hakbang anila ito ng kampo ng Marcos dahil batid nitong walang nababago sa resulta ng kasalukuyang bilangan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -