Dating PMA comptroller sangkot sa 15 million peso malversation case sinibak ni Pangulong Duterte

0
66

Tuluyan nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang  dating Comptroller ng Philippine Military Academy na si Maj. Hector Maraña.

Magugunitang isinailalim sa Court-martial si Maraña dahil sa 15 million peso malversation case.

Sa kanyang talumpati sa launching ng “Pilipinas Angat Lahat” program sa Malakanyang, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang dismissal order ng military official.

Inaprubahan din ng Punong Ehekutibo ang rekomendasyon ng Military Court hatulan si Maraña ng anim hanggang labindalawang taong pagkaka-bilanggo.