Kampo ni Cayetano tahasang ininsulto si Velasco — Leachon

0
75

Isiniwalat ni Oriental Mindoro Rep. Salvador Leachon na tahasang ininsulto ng mga tiga-suporta ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bago ang pulong nito kasama si  Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam, sinabi ni Leachon, nasaksihan niya kung paano ulanin ng insulto si Velasco ng mga tiga-suporta  ni Cayetano bago maganap ang naturang pulong.

Aniya, sinabi ng mga sumusuporta kay Cayetano na bagama’t nais nilang igalang ang hiling ng pangulo na sundin na lamang ang term-sharing ay si Velasco mismo ang nag-taksil sa nasabing kasunduan dahil sa mga pagbabalak na kudeta noon laban kay Cayetano.

Ayon kay Leachon, gawa-gawa lamang kasi ng mga ka-alyado ni Cayetano ang ulat na mayroong balak ang mga mambabatas na sipain siya bilang speaker ng Kamara.

Dagdag pa nito, iginiit din aniya ng mga tiga-suporta ni Cayetano sa Pangulong Duterte ang alok kay velasco na maging senior deputy speaker na lamang ngunit tinanggihan ito ni Velasco at piniling manatili bilang chairman ng Committee on Energy.

Depensa pa nito, pinili ni Velasco na manatili bilang chairman ng naturang komite dahil wala naman aniya talagang senior deputy speaker na posisyon sa Kamara.