Pumalo na sa 4.2-M ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa pinkahuling tala ng World Health Organization (WHO), naitala ang 4,226,000 kaso ng COVID-19 sa daigdig.
Sa bilang na ito, nasa 289,000 na ang mga nasawi, habang nasa 1.4-M naman ang bilang ng mga nakarekober.