Iriga City – Dahil na rin sa magdamag na ulan ay umapaw ang tubig sa Spillway sa Waras River, San Jose Iriga, Iriga City kung saan naitangay ng malakas na current ng tubig ang dumaang puting Owner Type Jeep sakay ng anim (6) na katao.
Mabilis na naitawag ng mga sakay ng jeep sa Emergency Hotline ang insidente at mabilis itong naaksyunan ng Iriga City Emergency Response Team na kinabibilangan ng CDRRMO at CEO ng pamahalaang lungsod ng Iriga.
Ligtas ang anim (6) na sakay ng Jeep at matagumpay na naisalba ang nasabing sasakyan sa pagkakalubog sa ilog.
Nangyari ang insidente ngayong umaga, December 19, 2020.
(Source: Iriga City Official Facebook Page)
