JBC isinumite ang shortlist sa pangulo para sa susunod na associate justice ng CA

0
47

Naisumite na ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Pangulong Rodrigo Duterte ang shortlist para sa susunod na associate justice ng Court of Appeals (CA).

Pasok sa shortlist sina Loida Posadas-Kahulugan na nakakuha ng anim na boto, Angelene May Quimpo-Sale at Emily San Gaspar Gito na may tig limang boto samantalang may tig apat na boto sina Emerson Aquence, Raymond Reynold Lauigan at Encarnacion Moya.

Sa mga nasabing nominado pipiliin ng Pangulong Duterte ang susunod na associate justice ng CA kapalit ni Justice Socorro Inting na itinalaga na bilang bagong Commission on Elections (COMELEC) commissioner.