35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Itatayong Iconic Capitol Ng CamSur Nabalot Ng Tensyon

- Advertisement -




Iriga City – Nabalot ng tension ang pagsisimula sa konstruksyon ng Iconic Capitol ng Camarines Sur kahapon matapos na dumagsa ang mga may-ari at mga magsasaka na suportado ng ilang local na opisyal na tutol sa plano ni Gov. Migz Villafuerte.

Pinagunahan ni Mayor Tomas Bongalonta Jr. ng Pili ang mga magsasaka na di-umanoy tunay na may-ari at mga magsasaka at wala pang nararating na desisyon ang korte tungkol sa kanilang sinasaka.

Nadagdagan pa ang tension matapos na dumating si dating Congressman Rolando Andaya at iba pang mga Mayor na kasapi ng grupong tinatawag na “anduyog” matapos na ipilit nitong isabit ang karatula na nagsasabing “private property” ang lugar na titirikan ng proyekto sa Brgy. Palestina.

Sa kabilang dako, ipinahayag naman ni Gov. Migz Villafuerte na tapos na ang usapin at may desisyon na an korte sa pagbayad at maging sa relocation site ng mga magsasaka.

Ayon sa kanya, dumaan sa tamang proseso ang pag-acquire ng lupain na sakop ng itatayong Iconic Capitol.

Kasunod nito, inakusahan ni Villafuerte na nabalot na ng politika ang isyu na siyang nagiging ugat upang maabala ang mga proyekto na sanay malaking tulong sa mga mamamayan ng Camarines Sur.

Sa panig ng PNP, sinabi ni PCol. Bernardo Perez, ang Provincial Director ng PNP sa Camarines Sur na malinaw na nagkaroon ng paglabag sa minimum health protocol ang mga nagsagawa ng protesta at kanilang pag-aaralan ang pagsasampa ng kaukulang kaso.

(Source: PNP Pili, Camarines Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -