Isang taong gulang na sanggol ginahasa ng pinsan

0
44

Arestado ang isang 18 anyos na lalaki matapos umanong gahasain ang isang taong gulang na batang babae sa Cagayan De Oro City.

Ang biktima ay pinsan ng suspek na ilang linggo pa lamang na naninirahan sa kanilang bahay.

Ayon sa women and children protection desk ng CDO Police Station-2, nakiusap lamang ang nanay ng biktima sa suspek na bantayan ang bata upang bumili ng gamot.

Gayunman, makalipas ang isang oras ay hindi na tumigil sa pag-iyak ang bata at nakita ng nanay na dumudugo na ang ari ng kanyang anak.

Samantala, aminado naman ang suspek na ginalaw niya ang batang pinsan.

Sinampahan na ng kasong rape at paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination ang hindi pinangalanang lalaki.