Isang residente ng Makati nagpositibo sa COVID-19

0
39

Inihayag ng Real Estate Development Company na isa pang indibidwal na naninirahan sa residential building sa Makati City ang nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa Rockwell Land Corporation (RLC), as of March 14, 2020, kumpirmado umanong positive sa COVID-19 ang naturang indibidwal mula sa Rizal Tower.

Dahil dito, umabot na umano sa tatlo ang kaso ng COVID-19 sa Rockwell Center.

Inaalam na umano ngayon ng kumpanya ang contact tracing upang matukoy kung sinu-sino ang mga nakasalamuha ng naturang residente.

Nanawagan naman ang RLC, sa mga naging close contact ng bagong tinamaan ng virus na kusa nang isailalim sa self-quarantine ang kanilang sarili.