Monday, May 6, 2024

Isang miyembro ng Police Baguio ang namatay

- Advertisement -

Ang Baguio City Police Office, sa pamumuno ni City Police Director Police Colonel Francisco B. Bulwayan Jr., ay nagpahayag ng pagkalungkot sa pagyao ng isa sa mga miyembro ng Pulisya na si Pat Jumieko Potennec.

Matapos ang masusing imbestigasyon, anya, walang foul play ang nakita at ito ay isang matatawag na trahedyang insidente. Sinabi ng Hepe ng Baguio City Police Office ang aksidente ay hindi maiiwasan sa paghawak ng baril. Kanya ring binigyan diin ang kahalagahan ng prinsipyo sa paghawak ng baril upang maiwasan ang ganitong aksidente.

Inulit ng hepe ng pulisya ang kanilng taos pusong pakikiramay at panalangin para sa ikakahilom ng sugat na natamo sa pagyao ng naturang pulis at maging sa mga naiwan nitong pamilya sa ganitong pagkakataon. Sinabi ni Bulwayan na ang buong pamilya ng Baguio City Police Office ay nananatiling nakatayong nagkakaisa sa pag-alok ng walang humpay na pagtulong sa pamilya ng naiwan ng namayapang pulis at pagtitiyak ng isang pangako na may magbibigay ng tulong.

Sa isang pahayag, sinabi ng naturang hepe ng pulisya na ang bawat miyembro ng pulisya ay aktibong magbibigay ng kanilang maaabot na makakayang pinansiyal na pagsuporta upang maibsan ang dinadala ng kanyang pamilya, na isang magandang karakaran ng Baguio City Police Office. Bilang bahagi ng kanilang pagtulong, ang Baguio City Police Office ay nangakong tutulong na mapabilis ang paglalakad ng papeles upang agarang makuha ang financial claims ng pamilya nito.

Sinabi ni Bulwayan sa mga mamamahayag na si Pat Jumieko Potennec ay kanilang maalaala sa kanyang pagseserbisyo sa kanyang mga kababayan bilang isang pulis. Anya ang kanyang naibahagi sa kommunidad ay mananatiling nakatatak sa kanilang puso.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Police Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img