Isang holdaper arestado sa Caloocan

0
48

Isang notorious na holdaper ang nagtangkang makipagbarilan sa mga pulis matapos itong maaktuhang nangho-holdap sa Caloocan City.

Ang suspek ay nakilalang si alyas ‘Derek’, 40 anyos at residente ng naturang lungsod.

Sinabi ni Pol. Col. Noel Flores, hepe ng Caloocan City police, na nagpapatrolya sila sa kahabaan ng Caimito Road, Brgy 77 at doon nga nila nahuli ang suspek.

Aniya, sinubukan pang tumakas at magpapaputok ng baril ang suspek ngunit pumalya ang baril nito.

Inamin naman ni alyas ‘Derek’ ang ginawang pangho-holdap pero itinangging hindi kanya ang baril.

Nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong frustrated murder, robbery hold up at paglabag sa R.A 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.