36.1 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Isa patay dulot ng habagat at Bagyong Gardo

- Advertisement -

Isa ang naitalang patay bunsod ng matiniding buhos ng ulan dala ng hanging habagat na pinalakas pa ng Bagyong Gardo.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Laoag City Ilocos Norte, isang babae ang nakitang patay matapos malunod sa irigasyon sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Kinilala ang nasawi na si Jenny Simeon.

Batay sa ulat, nagkaroon ito ng epileptic episode, nadulas at nahulog sa irrigation system sa kanilang likod bahay.

Samantala, ilang lugar naman sa bansa ang binaha dahil sa malakas na buhos ng ulan na dala ng hanging habagat.

Kabilang sa mga binaha ang Odiongan, Romblon, Libon, Albay at Cagayan De Oro City.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -