Isa pang lalaki na magbibigay ng pabuya sa makakapatay sa Pangulo, arestado sa Aklan

0
29

Arestado ang isang construction worker sa Aklan matapos na mag-alok ng P100-M pabuya sa sinumang makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa ulat ng Malay Police Station kinilala ito bilang si Ronald Quiboyen, 40 taong gulang.

Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng report hinggil sa anila’y ‘seditious’ post ni Quiboyen sa social media kung saan sinabi nito na dodolehin niya ang P50-M para sa sinumang makapapatay sa Pangulo.

Sinabi ni Malay Police Chief Police Lt. Col. Jonathan Pablito na mahaharap si Quiboyen sa kasong paglabag sa Art. 142 ng revised penal code o ang inciting to sedition.

Una rito, isa namang public school teacher ang naaresto ng mga otoriad matapos na mag post at mag alok ng P50-M na pabuya sa sinumang makapapatay sa Pangulo.